General Category > Filipino Bible

gusto ko nang comments

(1/1)

glenn38:
Itong panaginip na to ay nangyari noon 1995 pa. Member po ako sa isang christian church noon. 3 taon na akong matiyagang nagsimba. Natanggap ko na ang panginoon jesus at nabautismohan na sa tubig. Pero sa panahon na yon d ko pa kayang tanggapin na sa pamamagitan lamang nang pananampalataya. Kahit na ilang bisis ko narinig yong ephesians 2:8 tutol parin ang puso at isipan ko. ang hirap puksain ang dati kung paniniwala na yun bang sibasabi na "Ow basta gagawa lang ako nang mabuti pupunta din ako sa langit." Samakatuwid bagay bingi at bulag ako sa katutuhanan. D ko makita d ko marinig at higit sa lahat di ko maintindihan ang grasyana tinutukoy sa ephesians 2:8. Hanggang dumating ang oras sa aking buhay na napagod na ako sa kakahabol sa aking sariling kaligtasan. Sumuko na ako. Linggo habang akoy nagsisimba Nagdasal ako sa panginoon nang ganito. " panginoon ang dami kong naranasang pagsubok nang sumampalataya ako sayo. mukha yatang hindi aasinso ang buhay ko kung magpatuloy ako. Titigil muna ako balik nalang ako pag matupad na ang pangarap ko."  Umuwi ako nang bahay kumain at natulog. Mga alas 2 nang hapon ito ang aking panaginip ko.                                              Pag idlip ko bigla nalang akong nakatayo sa tapat nang bintana na nakaharap sa kalsada. Doon din mismo sa kwarto na ninutulogan ko. Na may katulad ding sinag nang araw ang pagkakaiba nga lang ang sinag nang araw na tumama sa katawan ko hindi mainit. Mayamayay nakarinig ako nang tugtog na hindi ko pa narinig kahit kailan. Hanggang sa nakita ko na mayrong dumaan sa kalsada mga taong nakasuot nang lumang stilo na damit. Ang nauna sa kanila ay may dalang banner. Noong d ko na sila makita ang damit tanong sa isip ko. Katulad nang kataposan na ba nang mundo? Or kukunin na ba ako ni lord. At marami pa tanong. Mayamaya pay sa isang kisap mata lang biglang nagbago ang paningin ko. Ang mga niyogan na nasa kabila nang kalsada napalitan nang malaparaesong lugar. Mga kahoy na pagkaganda nang kulay nang dahon. Ibaibaang kulay. Doon sa malayo nakikita ko ang napakalinaw, walang ka alon alon na dagat at napakaputi na buhangin sa tabi. Piro mayamaya lalo lang akong natakot sa naisip ko. Inisip ko na talaga na kunin na ako ni lord. Kaya nagdasal na ako. Sabi ko sa dasal. Lord hindi pa ako handang mamatay hayaan mo muna akong mabuhay gusto ko pang makatapos sa pag aaral at makatulong sa mga kapatid ko. Takot na takot ako noon. Hanggang sa isang kisap mata lang nalipat uli ako sa higaan ko at tila bagong gising. nasabi ko ay pabaginip lang pala yun. Nang babangon na sana ako hindi ko diritsong mabangon abg sarili ko mangalahati lang kahit pilitin ko parang napakalakas na magnet hihila sa akin muli sa higaan. Maraming ulit ko sinubukan bumangon piro di ko kaya at ganun parin. Inikot ko na katawan kot nagawa ko nang dumapa ang mukha ko nandoon na sa paanan ko piro isang kisap mata uli bumalik uli ako sa dating posisyon nang katawan ko. Hanggang lalo akong natakot at tunamaan na ako nang bangungot. Hindi ko na magalaw ang buong katawan ko. Dasal uli ako na umiiyak hingi nang tawad. umiiyak pa ako. Lalo akong natakot noong nakita ko poster ni tom cruz biglang pumayat nakakatakot tingnan. Hangang nakagalaw ako. At sinabi ko uling ay panaginip lang pala yun. Piro bumangon ako na may luha ang mga mata ko. Yun po ang panaginip kong kakaiba. At hinding hindi ko malilimutan.

Navigation

[0] Message Index

Go to full version