faith in God
by downofmylife on 07 Aug, 2015 07:46
Masaya ako at natagpuan ko ang lugar na ito. Nakakaranas din ako ng maraming pagsubok sa buhay may mga times na natatanong ko ang Panginoon kung bakit pakiramdam ko para akong pinaparusahan, yung mga bagay na hindi ko akalain mangyayari saken ay mangyayari pala. Sabi nga walang binibigay na pagsubok ang Diyos na hindi naten kaya ang sagot ko, sana hindi ko na lng kaya para hindi sa akin binigay. Inaamin ko na kulang ako sa pananampalataya at tiwala sa Kanya dahil lagi akong may takot kahit na alam ko na ang mga nangyayari sa akin ay kaloob Nya at laging may dahilan ang lahat pero minsan hindi ko parin maiwasan na pangunahan ako ng takot, takot sa mga pagsubok Nya. Patawarin ako ng Panginoon.